NAGA CITY – Isang nagpapakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Labo.

Ang nasabing umano’y NPA member ay 20 taong gulang at ilang taon na umanong miyembro ng Norben Gruta Command.

Matagal na rin umanong nagtatago mula sa kanyang mga dating kasamahan ang naturang rebelde at minabuti ngayong tuluyan ng humingi ng tulong sa mga otoridad.

Nakatakda siyang iturn-over sa 902nd Infantry Brigade sa nasabing bayan para sa karampatang aksyon.