Patay ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro laban sa mga sundalo sa Maguing, Lanao del Sur.

-- Advertisement --


Ayon sa report, nanggaling sa misyon ang mga tauhan ng 5th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt.Col. Romulus Rabara at pabalik na sila ng paulanan sila ng bala ng mga armadong miyembro ng NPA kahapon.

Tumagal ng isang oras ang labanan, at isang cadaver ng NPA ang narekober ng mga sundalo sa encounter site.

Narekober din sa lugar ang apat na apat na high-powered firearms na kinabibilangan ng dalawang M16 rifles at dalawang M79 grenade Launchers, low-powered firearm, hand grenade, bandoleer, 10 magazines na may ammunition, 22 rounds of ammunition ng M203, at limang combat packs na may mga personal na gamit.