Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Patuloy na iniimbestiahan ng pulisya ang kaso ng umano’y tangkang pangingikil ng isang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang doktor sa Bagio City.

Kinilala ang biktima na si Paul Quitiquit, doktor mula sa SLU Hospital of the Sacred Heart.

Batay sa ulat, tinawagan ng hindi pa nakikilalang suspek si Quitiquit para humingi ng tulong.

Matapos magpakilala bilang NPA, ay hiningan daw nito ang doktor ng P2-milyon.

Pero nagalit daw ang salarin nang alukin ng biktima na pagusapan sa kanyang opisina ang hinihinging milyones.

Agad namang nagpasaklolo sa otoridad si Quitiquit para sa imbestigasyon.