-- Advertisements --
P 1

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakubkob ng militar ang nagsilbing kampo na pinagpondohan ng ilang miyembro ng Guerilla Front 57 ubos sa Sub-Regional Command 3,Southern Mindanao Regional Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Purok 10, Barangay Kiburiao, Quezon, Bukidnon.

Sa ipinaabot na mensahe ni 403rd IB commander Brig. Gen. Ferdinand Barandon sa Bombo Radyo na ang tropa ng 72nd IB, Philippine Army ang mismong nakasagupa sa nabanggit na grupo na umano’y pinamunuan ng isang Ruel Villanueva Cabales alyas Aman.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang mga pagpapapalitan ng mga putok hanggang sapilitan ang mag-atras ng mga rebelde palabas ng kanilang pansamantala na kampo.

Tumambad sa tropa ang naiwan na mga bakas ng dugo na maaaring may mga tinamaan sa mga rebelde ang maraming kagamitang pandigma sa mismong lugar na pinag-engkuwentrohan.

Kabilang rito ang R4 rifle; mga bala ng 5.56 rifle; improvised hand grenade;mga kasangkapan paggawa ng bomba, mga gamot; suplay ng pagkain at personal na kagamitan.

Bagamat walang nahuli o kaya’y narekober na anumang bangkay ng mga rebelde sa ginawa na clearing operations ng AFP subalit nagpapasalamat na rin sila sa mga residente na nagbigay ng impormasyon upang magambala ang posibleng mga plano na panggugulo na maaring mangyari sa nabanggit na bahagi ng Bukidnon.