Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng NOW Telecom Company na kilalanin sila bilang major telecom sa bansa.
Batay sa naging desisyon ng Supreme Court 1st Division, kinatigan nito ang naunang desisyon ng Court of Appeals noong 2021 na nagdedeny sa petisyon ng NOW Telecom Company.
Hiniling kasi nito noon na ipatigil ng CA ang pigilan at patigilin ang NTC sa pagpapatupad ng probisyon ng memorandum circular na nagsasaad kung paano dapat magiging bagong major player sa industriya ng telecommunications sa Pilipinas.
Reklamo ng kumpanya ang aabot sa multi-billion peso na babayaran sa NTC ng mga bidder na nagpahayag ng interest.
Sinabi pa noon ng NOW Telecom na ito ay isang money-making schemes sa proseso ng bidding.
Aabot rin umano sa P700 milyong participation security, P14-24 bilyong performance security at P10 milyong non-refundable appeal fee ang nagiging bayaran ng mga bidder.
Mabigat rin aniya ito at tila isa itong sistema ng pangingikil para sa nasabing bayarin.
Samantala, batay sa naging desisyon ng SC, iginiit nito na nararapat lamang ang mga panuntunan ng NTC sa pagkuha ng ikatlong telco player sa bansa.
Layon lang umano nito na matiyak na may financial at technical capacity ang kompanyang mapagkakalooban ng prangkisa para dito.