-- Advertisements --

basilan1

Isang notorious o kilabot na Abu Sayyaf Group (ASG) bomb maker ang napatay sa ikinasang intelligence-driven police operations sa probinsiya ng Basilan bandang alas-2:30 ng madaling araw kahapon.

Batay sa report ni Philippine National Police (PNP)-Intelligence Group Director, B/Gen. Warren Ferrer De Leon, pinagsanib na puwersa pambansang pulisya ang nagpatupad sa pagsisilbi sa warrant of arrest laban sa suspek.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Aroy Ittot alyas Oroy.

Si Oroy ay sinasabing “trusted man” ng napatay na ring ASG leader na si Furuji Indama, kilalang miyembro ng Dawlah Islamiyah/ASG/bomb maker, at kabilang sa tinatawag na top priority target ng PNP sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Nahaharap din si Ittot sa kasong murder na inilabas ni Judge Leo Jay Principe, Regional Trial Court, 9th Judicial Region, Branch 1 sa Isabela City, Basilan.

Ayon kay Eleazar nanlaban ang suspek dahilan para magpaputok ang mga pulis.

“During the service of the Warrant of Arrest, the suspect fired upon the arresting team using his M16 rifle which promted the operating troops to return fires that eventually led in the neutralization of Oroy,” wika ni Eleazar.

basilan2

Narekober sa posisyon ni Oroy ang mga sumusunod: 1 unit M16 rifle; 1 M14; 4 na magazines para sa M16; 5 magazine para sa M-14; 4 na Grenade Rifles para sa M75; 3 Grenade Rifles M75; 1.5 Liters ANFO na ginagamit sa paggawa ng IED; 1 M16 spent cartridge, bandoliers at cellphone.

Ang napatay na bomb maker at sangkot sa ibat ibang harassment lalo na sa grupo ni Mayor Ibrahim Ballaho ng Mohamad Ajul habang nagsasagawa ng community service.

Sangkot din ito sa mga road side bombings at pagsabog ng isang sasakyan sa Lamitan, Basilan.

Sa kabila ng banta sa terorismo tiniyak ni Eleazar na lalo pang paiigtingin ng PNP ang kanilang kampanya.

” The fight against terrorism, insurgency and transnational crimes is vecoming more complex but the PNP stays in control to stamp out this challenge which is one of the operational thrustsunder the PNP’s Intensified Cleanliness Policy. Rest assured that we remain steadfast in enhancing our operational capability to keep our citizens safe from crime and terrorism,” pahayag ni Eleazar.