Hawak na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang naarestong Norwegian pedophile na akusado ng pangmomolestiya sa mga menor de edad sa kanilang mga bansa.
Naaresto rin ang isang Chinese national na sangkot sa pyramid investment scam.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang 50-year-old Karstein Kvernvik alyas Krokaa Karstein Gunnar na naaresto sa kanilang bahay sa Sameerah Subd., Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).
Samantala, ang Chinese fugitive ay kinilala namang si Fu Qihao, 44-anyos na naaresto sa Malate, Manila.
Isang arrest warrant ang inisyu ng public security bureau ng Shanghai, China laban sa suspek dahil umano sa pagpapatakbo nito ng pyramid scam.
Nabiktima raw ng mga ito ang marami nilang mga kababayan.
Sinabi naman ni Tansingco na ipa-padeport na ang mga suspek na sina Kernvik at Fu dahil sa pagiging undesirable at undocumented aliens ng mga ito dahil ni-revoke na ang kanilang mga pasaporte ng kanilang mga gobyerno.