-- Advertisements --

Naitala na ng NorthPort Batang Pier ang kanilang unang panlao sa 2023 PBA Governors’ matapos talunin ang TerraFirma Dyip 115-100 sa PhilSport Arena.

Pinangunahan ni Kevin Murphy ang Batang Pier na mayroong 28 points, siyam na rebounds. habang mayroong 26 points, nine rebounds at anim na nassists si Robert Bolick.

Ito ang unang pagkakataon na naglaro ngayong conference si Arwind Santos matapos na magtamo ng injury.

Ikinatuwa naman ni NorthPort coach Bonnie Tan ang panalo kung saan sinabi nito na kanilang naayos na ang ilang mga naging problema sa mag nagdaang laban nila.

Mayroon ng isang panalo at anim na talo ang NorthPort habang ang Terrafirma ay mayroong dalawang panalo at pitong talo.