-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang NorthPort 115-110 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nagtala ng triple double si Justin Brownlee na mayroong 22 points, 15 rebounds at 12 assists.

Umarangkada naman sina Jamie Malonzo at Nard Pinto dahil sa kawalan nina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Mayroon kasing 28 points ang naitala ni Malonzo habang 18 points naman si Pinto.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone labis siyang nagpasalamat sa ilang mga manlalaro nila dahil pumalit sila habang hindi nakapaglaro sina Aguilar at Standhardinger.

Nasayang naman ang nagawang 38 points ni Kevin Murphy at 30 points naman ni Robert Bolick.