-- Advertisements --

Inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon ngayong araw dahil sa low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 255 kilometers east northeast ng Casiguran, Aurora.

Ang probinsya ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap naman na may kasamang isolated rains sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pagsapit ng hapon o gabi.