Makakaranas ng pag-ulan ngayong araw ang northern at Central Luzon dahil sa southwest monsoon o habagat.

Ayon sa Pagasa, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ngayong Linggo ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Samantala, ang Metro Manila naman at nalalabing lugar sa bansa ay makakaranas ng isolated rains dahil sa localized thunderstorms.

Sinabi ng Pagasa na nananatiling nasa labas ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Krosa sa layong 1,945 kilometers east ng extreme Luzon hanggang kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Hindi na inaasahan pang papasok ng PAR ang bagyong ito ayon na rin kay Pagasa weather specialist Meno Mendoza.