Maaring sa 2026 ay magiging operational na ang unang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR).
Ayon kay Philippine National Railways (PNR) Chairman Michael Macapagal, na sa susunod na taon ay may ilang bahagi nito na maaring mapatakbo na.
Ang northern line ay tatakbo mula Clark patungo sa Valenzuela at sa kasalukuyan ay nasa 60 percent ng kumpleto ang proyekto.
Habang ang mga 12 stations nito ay nasa 80 hanggang 90 percent na kumpleto na.
Kinabibilangan ito ng Clark, Angeles, San Fernando, Apalit, Calumpit, Malolos, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Meycauyan, Tabing Ilog at Valenzuela.
Ang NSCR ay may habang 147 kilometers na mass transit system na planong pagdugtungin ang Clark, Pampanga patungong Calamba, Laguna.
Makikinabang dito ang nasa 800,000 na pasahero kada araw kung saan mababawasan ang biyahe mula Clark Airport patungong Calamba, Laguna ng halos dalawang oras.
Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P837.62 bilyon na ito ay pinondohan ng Asian Development Banks at Japan International Cooperation Agency o JICA.