-- Advertisements --
Nakuha na ng South Korea military ang wreckage North Korean spy satellite na bumagsak sa dagat noong Mayo matapos pumalpak ang launching nito.
Sa isang pahayag ay sinabi ng South Korean military na napag-alaman ng mga South Korean at United States experts na nagsagawa ng detailed analysis sa mga pangunahing bahagi ng space launch vehicle and satellite ng North Korea na wala itong military utility bilang isang reconnaissance satellite.
Kung maaalala, noong nakaraang buwan ay nakapagrekober din ang South Korean military ng mga bahagi ng rocket na ginamit sa nabigong rocket launch ng North Korea ng unang military satellite, matapos bumagsak sa dagat ang mga bahagi nito. // amrs