-- Advertisements --
Tuloy na ang gagawing pagbisita ni North Korean leader Kim Jong Un sa Russia.
Ayon sa Pyongyang na personal na inimbitahan ni Russian President Vladimir Putin ang kanilang pangulo.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawang lider ang mahigpit na ugnayan ng dalawa sa seguridad at pangkalakalan.
Magugunitang nagbabala ang US sa North Korea ukol sa balak na pagbebenta nito ng armas sa Russia para gamitin laban sa Ukraine.