-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni North Korean leader Kim Jong-un na handa silang gamitin ang kanilang nuclear weapon.

Sa kaniyang talumpati kasabay ng Korean War anniversary, sinabi nito na nakahanda anumang oras ang kanilang military.

Una ng nagbabala ang US na posibleng magsagawa ng nuclear testing ang North Korea.

Huling nagsagawa ng nuclear test ang North Korea ay noong 2017 dahil sa tumataas na tension sa Korean Peninsula.

Ayon naman kay US special
representative to North Korea Sung Kim, na umabot ng 31 missile test ang isinagawa ng North Korea ngayong taon na ito ay mas marami kumpara noong 2019 na mayroong 25.