-- Advertisements --
Ibinida ni North Korean leader Kim Jong Un sa mga kinatawan ng Russia at China ang mga ipinagbabawal na ballistic missiles.
Matapos kasi ang pagdalo sa 70th anibersaryo ng pagtatapos ng Korean War ay ipinakita ng North Korean leader kina Russian minister Sergey Shoigu at miyembro ng Communist Party ang nasabing mga missiles.
Ipinagbabawal kasi ng United Nations Security Council ang nuclear-capable missile.
Ang pagbisita ni Shoigu ay unang pagkakataon na bumisita ang defense minister ng Russia sa North Korea mula noong 1991 ng humiwalay sila sa Soviet Union.