Napagdesisyunan ng rubber-stamp parliament ng North Korea na alisin ang mga batas hinggil sa economic cooperatrion sa South, kasabay nang paghina ng relasyon ng dalawang bansa.
Matatandaan na unti-unting nagkaroon ng lamat ang dalawang bansa nang pinabilis ng Pyongyang ang weapon development nito at ang South naman ay pinapalakas ang pakikipag-ugnayan sa Washington at Tokyo.
Sa isang plenary meeting ng Supreme People’s Assembly noong Miyerkules, bumoto ang mga opisyal na ibasura ang batas sa inter-Korean economic cooperation na may unanimous approbation.
Napagkasunduan din ng parliyamento ang planong buwagin ang isang espesyal na batas sa pagpapatakbo ng Mount Kumgang tourism project, na minsan ay naging isang kilalang simbolo ng kooperasyon ng inter-Korean.