Iginiit ng North Korea na walang batayan ang akusasyon ng Estados Unidos na ang Pyongyang ay nagbibigay ng artillery shells sa Moscow para sa digmaan nito sa Ukraine.
Ginawa ng Amerika ang nasabing pahayag sa gitna ng tumitinding tensyon sa Korean peninsula matapos ang sunud-sunod na weapon test ng North Korea noong nakaraang linggo – kabilang ang isang intercontinental ballistic missile -habang isinasagawa ng United States at South Korea ang kanilang pinakamalaking ehersisyo sa air force.
Nagbabala ang United States at South Korea na ang paulit-ulit na kamakailang paglulunsad ng missile ng North ay maaaring mauwi sa isang nuclear test.
Pinabulaanan naman ng North Korea ang mga paratang noong nakaraang linggo ng tagapagsalita ng White House national security na si John Kirby, na nagsabing ang artillery mula Hilagang Korea hanggang Russia ay ipinadala sa Middle East o Africa.
Dahil dito, naniniwala ang North Korea na layon lamang ng Estados Unidos na sirain ang imahe ng DPRK sa internasyonal arena gamit ang isang acronym para sa opisyal na pangalan ng North Korea.
Nauna ng sinabi ni Kirby na hindi alam ng mga opisyal ng US kung talagang natanggap ng Russia ang mga bala, ngunit sinusubukan nilang subaybayan ang mga shipments nito.