-- Advertisements --

SEOUL, South Korea – Nawawalan na umano ng pasensya ang North Korea sa mga polisia at disarment demands ng Estados Unidos.

Sa isang statement sinabi ni senior North Korean official Kim Yong Chol na hindi umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa kahit pa bumubuti ang samahan ng lider na si Kim Jong Un at President Donald Trump.

Sa katunayan, posible pa rin aniyang anumang oras ay magpalitan ng putok ang dalawang bansa.

Sinabi ni Kim Yong Chol na maiiba ang imahe ng Trump administration sakaling hindi nito pansinin o tuupad sa end-of-year deadline na itinakda ni Kim Jong Un sa mungkahing katanggap-tanggap na mga terms sa nagpapatuloy na nuclear negotiations. (Associated Press)