Nagsagawa ang North Korea ng simulated “tactical nuclear attack” drill noong Sabado na kinabibilangan ng dalawang long-range cruise missiles. Habang sinisiyasat ng lider na si Kim Jong Un ang mga shipbuilding at munitions factories.
Ang drill ay isinagawa nang maaga noong Sabado upang balaan ang mga kaaway na ang bansa ay magiging handa sa kaso ng nuclear war habang muling nanumpa ang Pyongyang na palakasin ang military deterrence laban sa Washington at Seoul.
Ang dalawang cruise missiles na may dalang mga mock nuclear warhead ay pinaputok patungo sa West Sea ng peninsula at lumipad ng 1,500 kilometro (930 milya) sa preset altitude na 150 metro.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng state media ng naturang bansa na binisita ni Kim ang Pukjung Machine Complex, na gumagawa ng mga makinang pang-dagat, at isang pangunahing pabrika ng mga bala upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng pwersang pandagat ng Pyongyang.