Ipinalipad ng North Korea ang pinakamalaking intercontinental ballisric missile nito na Hwasong-17 na pinaputok ng nasabing bansa sa isang drill bilang pagpapahayag ng “tough response posture” sa gitna ng nagpapatuloy na military drills sa pagitan ng Estados Unidos at South Korea.
Makikita sa mga larawang inilabas ng gobyerno ng North Korea na pinapanuod mismo ng pinuno nito na si Kim Jong Un kasama ang kaniyang pamilya ang launching ng nasabing pinakamalaking ballistic missile.
Sa ulat, pinaputok ito ng North Korea sa dagat sa pagitan ng Korean peninsula at Japan noong Huwebes, ilang oras bago lumipad ang presidente ng South Korea sa Tokyo para sa isang summit na tumatalakay sa mga paraan upang kontrahin ang nuclear armed north.
Ang launching drill na ito ng mga strategic weapon ng North Korea ay nagsisilbing “stronger warning” ng nasabing bansa laban sa mga kalaban nito sa gitna ng mas umiigting na tension sa Korean peninsula.