-- Advertisements --

Kinumpirma ng Seoul’s military na muli na namang nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missiles patungo sa Sea of ​​Japan.

Ito ay isang araw lamang matapos tapusin ni US President Joe Biden ang kanyang unang pagbisita sa Asia bilang pinuno ng Amerika.

Sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea sa isang pahayag na “natukoy nito ang pagpapaputok ng mga ballistic missiles na inilunsad mula sa lugar ng Sunan.”

Nagbabala ang Coast Guard ng Japan tungkol sa isang “posibleng ballistic missile” na paglulunsad mula sa North Korea, na nagsasabi sa mga sasakyang pandagat na lumayo sa mga mahulog na bagay sa tubig.

Sinabi ng Japan Prime Minister na si Fumio Kishida sa mga mamamahayag na sinusubukan ng Tokyo na kumpirmahin ang impormasyon tungkol sa paglulunsad.

Ang bagong pangulo ng South Korea na si Yoon Suk-yeol ay mangangasiwa sa isang pulong ng National Security Council upang talakayin ang mga paglulunsad.

Si Yoon, na nanumpa noong mas maaga sa buwang ito, ay nangakong magiging mahigpit sa Pyongyang pagkatapos ng limang taon ng nabigong diplomasya.