-- Advertisements --

Nagpakawala ang North Korea ng panibago na namang long-range missile at dalawang short-range ballistic missiles kung saan isa umano sa ginamit ay intercontinental ballistic missile.

Sa statement ni Japan Prime Minister Fumio Kishida naniniwala umano ito na kabilang sa pinakawalan ng North Korea ay isang intercontinental ballistic missile.

Ang naturang pangyayari ay naging dahilan para maglabas ng pambihirang emergency alert ang Japan para sa mga residente sa ilang areas ng northern regions na manatili sa indoors.

Nilinaw naman ni Defence Minister Yasukazu Hamada na ang missile ng North Korea ay hindi naman umabot sa Japanese archipelago at nawala ito sa bahagi ng Sea of Japan.

Kung maalala kahapon lamang naglunsad din ang Pyongyang ng pinakamaraming missiles sa loob ng isang araw na lumapag sa South Korean territory.

Una ng sinabi ng Tokyo Japan na ang missile ay lumipad sa kanilang bansa na kinalaunan ay kinondena ni Prime Minister Kishida.

Agad namang sumagot si Vice Foreign Minister Cho Hyun-dong ng South Korea at US Deputy Secretary of State Wendy Sherman at kinondena ang launch ng missile bilang “deplorable, immoral.”

Sinundan din ito nang pagpapalipad ng Seoul ng warplanes at pagpapaputok ng tatlong air-to-ground missiles na humantong umano sa maritime demarcation line.