-- Advertisements --

Ibinunyag ng US intelligence office na naghahanda ang North Korea para sa nuclear attack.

Dagdag pa sa inilabas 2023 Annual Threat Assesment report na ipagpapatuloy ni North Korean leader Kin Jong Un ang pagpapalipad ng nuclear-capable missile.

Mula pa noong 2006 aniya nagsagawa ang anim na nuclear test ang North Korea.

Huling nuclear test na isinagawa ng North Kora ay noong 2017.

Lumabas din sa ulat ng US na kumukuha ng pondo ang North Korea sa pamamagitan ng cypto currency theft.

Magugunitang noong nakaraan gtaon ay mayroong 60 na mga intercontinental at ballistic missiles ang pinakawalan ng North Korea paharap sa Korean Peninsula.