Buhos ngayon ang mga haka-haka ng mga eksperto at analysts ukol sa umano’y paghahanda ng North Korea na maglunsad ng isang missile o satellite.

Batay kasi sa mga satellite images, mayroon umanong pagtaas ng aktibidad sa bahagi ng Sanumdong, na lugar kung saan tinitipon ng North Korea ang karamihan sa kanilang mga ballistic missiles at rockets.

Naniniwala ang mga analysts na baka sa mga panahong ito, naghahanda ang Pyongyang sa paglulunsad ng satellite sa halip na missile test.

Una rito, lumabas ang mga ulat na tinayo umanong muli ng Pyongyang ang pangunahin nilang rocket launch site sa Sohae.

Sinabi naman ni US President Donald Trump na madidismaya raw ito kung itutuloy muli ng North Korea ang weapons testing.

“I would be surprised in a negative way if he did anything that was not per our understanding. But we’ll see what happens,” wika ni Trump.

“I would be very disappointed if I saw testing.” (BBC)