-- Advertisements --

Idineklara ni Kim Jong Un ng North Korea ang isang “shining victory” laban sa COVID-19 habang isiniwalat ng kanyang kapatid na babae na siya ay nagkasakit sa panahon ng outbreak, na sinisi niya sa Seoul.

Sa pagtugon sa isang pulong ng mga health workers and scientists, inihayag ni Kim ang isang “tagumpay sa digmaan laban sa malignant pandemic disease.

Ang isolated country, na nagpapanatili ng isang mahigpit na coronavirus blockade mula noong simula ng pandemya, ay nagkumpirma ng isang Omicron outbreak sa kabisera ng Pyongyang noong Mayo at nag-activate ng isang “maximum emergency epidemic prevention system.”

Ang North Korea ay tumutukoy sa “fever patients” sa halip na “mga pasyente ng Covid” sa mga ulat ng kaso, tila dahil sa kakulangan ng testing capacity.

Nagtala ito ng halos 4.8 milyong “fever” infections at 74 na pagkamatay lamang para sa official fatality rate na 0.002 porsyento, ayon sa state media.

Wala na itong naiulat na mga bagong kaso mula noong Hulyo 29.

Ang paghawak sa pandemya na ito ay “isang himala na hindi pa nagagawa sa kasaysayan ng kalusugan ng publiko sa mundo.

Sinabi ni Kim Jong Un ang tagumpay na natamo ng kaniyang mga tao ay isang makasaysayang kaganapan.”