Kinumpirma ng North Korea na muli itong naglunsad ng panibagong Solid-Fueled Hwasong-18 Intercontinental Ballistic Missile o ICBM
Sa inilabas na statement ng North Korea, mismong si North Korean leader, Kim Jong Un ang nanguna sa missile test.
Bagaman nagdulot ito ng pagkabahala sa iba pang mga kalapit na bansa, sinabi ng North Korea na ang missile ay walang malakihang impact sa mga katabing bansa, katulad ng South Korea, Japan, at iba pa.
Ang Solid-fueled ICBM ay mga state-of-the-art missiles na mas mabilis at mas magaan ang paglipad kumpara sa mga liquid-fueled missile.
Samantala, ang ginawang ito ng North Korea ay nagdulot ng pangamba sa mga residente ng Hokkaido, ang hilagang isla ng Japan, matapos itong maglabas ng babala ukol sa posibilidad ng tsunami.
Gayonpaman, agad din naman itong binawi ng pamahalaan ng Japan, matapos matiyak na imposibleng tatama ang missile saanmang isla ng Japan.
Kinalaunan, inilabas ng Tokyo ang report na bumagsak ang nasabing missile sa labas ng Japan Territory, malapit sa Silangang ng Korean Peninsula.