-- Advertisements --

Muling inireklamo ng South Korea at Japan ang ginawang missile test ng North Korea.

Ayon sa Japanese defence minister na isang uri ng submarine-launched ballistic missile ang pinalipad ng North Korea sa karagatan na nasasakupan nila.

Itinuturing ng Japan na hindi makatarungan ito dahil sa banta ito sa international community.

Ito na ang pangalawang pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles sa loob ng isang linggo na ang huli ay noong Miyerkules.

Sa taong 2022 lamang ay mayroon ng 14 na missile test ang isinagawa umano ng North Korea habang noong 2021 ay mayroong walo lamang.