-- Advertisements --
Muling nagpakawala ang North Korea ng apat na strategic cruise missiles sa karagatan.
Ayon sa South Korea na ang nasabing hakbang ay isang malaking banta sa mga kalapit na bansa ng North Korea.
Ito na ang pinakahuling missile test ng Norh Korea mula pa noong 2017.
Ang apat na “Hwasal 2” missiles ay pinalipad sa Kim Chaek City sa North Hamgyong province patungo sa East Sea o kilala bilang Sea of Japan.
Naglakbay ito ng 2,000 kilometers na tinamaan umano ang target subalit hindi na ibinigay pa ng South Korea kung ano ang target nila.