-- Advertisements --
Kinondina ng Japan ang pinakabagong pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missile.
Ayon sa Japanese ministry na nitong gabi ng Lunes ng makita nila sa kanilang radar ang pagpapalipad ng North Korea ng missile sa silangang bahagi ng karagatan nila.
Ang nasabing insidente ay matapos na palakasin ng US ang kanilang ugnayan sa South Korea sa pamamagitan ng paglalagay ng mga strategic military asset.
Ikinagalit kasi ng North Korea ang nasabing paglalagay ng mga military asset ng US sa South Korea.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpalipad na rin ang North Korea ng missile ilang oras matapos na dumating sa South Korea ang nuclear-armed ballistic missile submarine ng US.