-- Advertisements --
image 641

Nagpaputok ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missiles sa dagat sa labas ng silangang baybayin nito, ayon sa militar ng South Korea.

Naganap ang mga pinakahuling serye ng paglulunsad nito habang nakatakdang dumating ang isang U.S. aircraft carrier sa South Korea.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, ang mga missile ay pinaputok mula sa North Hwanghae province at lumipad nang humigit-kumulang 370 kilometers.

Ang parehong mga missiles ay napag-alamang lumapag sa labas ng exclusive economic zone ng Japan, ayon sa gobyerno nito.

Ang militar ng South Korea ay mahigpit na kinondena ang mga paglulunsad bilang isang matinding probokasyon na lumalabag sa mga resolusyon ng United Nations Security Council, at nanawagan para sa agarang paghinto ng mga pagpapaputok ng ballistic missiles.