-- Advertisements --

Planong maglunsad muli ng North Korea ng 3 pang spy satellites sa taong 2024 bilang parte ng kanilang mga pagsisikap na palakasin ang kanilang militar, batay yan sa ulat ng state media ngayong Linggo.

Matatandaan na matagumpay na nailagay ng Pyongyang ang isang spy satellite sa orbit noong nakaraang buwan at mula noon ay inangkin na nito na nagbibigay sila ng mga larawan ng major US at South Korean military sites.

Ngayong taon nagsagawa rin ito ng record-breaking na bilang ng mga weapons tests, kabilang ang paglulunsad ngayong buwan ng most powerful intercontinental ballistic missle (ICBM), na sinisisi naman ang lumalaking banta umano mula sa Estados Unidos.

Inanunsyo ang naturang launching ng 3 dagdag na spy satellites sa isang year-end party meeting na dinaluhan ni North Korean leader Kim Jong Un.