-- Advertisements --
Itinanggi ng North Korea na sila ay nag-suplay ng mga armas o mga bala sa Russia.
Ayon sa Ministry of National Defense ng North Korea na walang katotohanan ang ipinapakalat ng US at hindi kailanman aniya gagawin ng North Korea ang magsuplay ng mga armas.
Nauna ng sinabi ni US State Department deputy spokesperson Vedant Patel na ipinoproseso na ng Russia ang pagbili nila ng mga armas at bala sa North Korea.
Dahil dito ay sinabihan ng North Korea ang US na manahimik na lamang ang mga ito at tigilan na ang pagkalat ng mga maling balita.