-- Advertisements --
image 154

Inakusahan ng North Korea ang Amerika ng iligal na panghihimasok umano ng US military spy plane sa kanilang Exclusive Econimc Zone ng walong beses nitong nakalipas na araw ng Lunes.

Nangako din partikular na ang makapangyarihang babaeng kapatid ng North Korean leader na si Kim Yo Jong, na miyembro din ng State Affairs Commission of North Korea na haharap sa very critical flight ang US Forces na pumasok umano sa kanilang airspace sa pamamagitan ng pagsasagawa ng surveillance flights at nagbabalang papabagsakin ang nasabing mga military spy plane ng US kapag ipinagpatuloy ng mga ito ang illegal intrusion

Sinabihan din nito ang South Korea na huwag makialam sa pagbibigay ng pahayag at iginiit na ang naturang isyu ay sa pagitan lamang ng Korean People’s Army at US forces

Una na ngang inakusahan ni Kim ang US Air Force ng panghihimasok sa economic water zone ng North Korea sa may silangang bahagi ng Korean peninsula sa himpapawid na may taas o above sea level na 435km silangan ng Thongchon ng Kangwon province at 276 km timog silangan ng Uljin ng North Gyeongsang Province.