Ibinunyag sa report ng Unification Ministry ng South Korea na binibitay ng North Korea ang mamamayan nito dahil sa droga at nagbabahai ng videos ng South Korea at religious activities.
Ang 450 pahinang ulat ng South Korea Unification Ministry na namamahala sa inter-Korean affairs na inilabas lamang ngayong araw ay base sa testimoniya ng nakalap mula 2017 hanggang 2022 mula sa mahigit 500 North Koreans na tumakas mula sa kanilang bansa.
Malawakan aniyang isinasagawa ang execution sa mga gawain na hindi makatarungan para patawan ng death penalty kabilang ang drug crimes, pagbabahagi ng videos ng South Korea at mga religious at superstitious activities.
Iginiit naman ni South Korean President Yoon Suk Yeol na dapat maipaalam sa international community ang nasabing report ng karumal-dumal na pang-aabuso ng North Korea na hindi marapat na makatanggap ng ni katiting na economic aid habang isinusulong ang nuclear ambitions nito.