-- Advertisements --

Binatikos ng kapatid na babae ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Yo-jon ang South Korea.

Kasunod ito sa naging pahayag ni South Korea President Yoon Suk-yeol na tutulungan nila ang North Korea sa ekonomiya bilang kapalit ng denculearisation.

Ayon kay Kim na dapat tigilan na ng South Korean president ang pagsasalita dahil nagmumukha itong bata kung mag-isip.

Bilang reaksyon ng South Korean President, ay nalungkot sila dahil sa naging komento ng North Korea subalit paglilinaw nila na naging bukas pa rin ang nasabing alok.