-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Panibagong kalbaryo ang bitbit ngayon ng mga biktima ng lindol sa North Cotabato matapos salantain ng buhawi at hailstorm ang bayan ng Makilala kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo muling umapela ng tulong ang residenteng si Delma Hanye, 65, matapos madamay ang kanilang relief goods sa pananalasa ng malakas na ulan at buhawi.
Ikinalungkot ni Hanye ang insidente dahil hindi pa raw tuluyang nakakabangon ang kanilang bayan ay panibagong pasakit umano ang kanilang hinaharap ngayon.
Maging ang evacuation sites daw kasi ay hindi nakaligtas sa hailstorm at buhawi.
Isa lamang ang pamilya ng ginang sa libu-libong residente ng Makilala na biktima ng magkakasunod na lindol noong Oktubre.