CENTRAL MINDANAO – Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang 23-anyos na binata sa probinsya ng Cotabato.

Ang biktima ay may travel history sa Taguig City at kabilang sa mga locally stranded individual (LSI).

Nang dumating sa bayan ng Pigcawayan Cotabato ito dumiretso na ito sa isolation facility.

Agad kinunan ng swab sample ang pasyente at nagpositibo sa RT-PCR test sa COVID-19.

Nasa maayos na kondisyon na ang binata at asymptomatic at nakatakdang kukunan ng pangalawang swab test.

Nagsagawa na ng contact tracing ang Municipal Health Office (MHO-Pigcawayan) sa mga nakasalamuha ng biktima ngunit nilinaw nito na hindi nya nakasama ang kanyang pamilya at mga kamag-anak dahil agad siyang dinala sa isolation facility.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng 11 COVID positive case ang probinsya ng Cotabato, isa ang namatay at halos karamihan ay gumaling na.