-- Advertisements --
Tinanggal na ng Meralco Bolts bilang kanilang head coach si Norman Black.
Ayon sa koponan na natapos na ni Black ang siyam na taon na pamamalagi sa kanila.
Papalitan siya ngayon ng kaniyang matagal ng assistant coach na si Luigi Trillo.
Paglilinaw ng koponan na hindi pa tuluyang aalis si Black dahil magsisilbi siya bilang kanilang team consultant.
Sa panig ni Black ay nagpasalamat ito sa management sa kaniyang nakasama sa koponan ng ilang taon.
Pag-iigihan niya ang pagiging consultant para makamit ang kampeonato.