-- Advertisements --

Sisimulan na ang localized implementation ng Normalization program sa pagitan ng pamahalaan at dating mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Basilan.

Ang naturang programa ay isang mahalagang bahagi ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na layuning gawing isang matiwasay at produktibong mga sibilyan ang mga dating MILF combatants gayundin para gawing progresibo at matatag na komunidad ang kanilang mga lugar.

Kaugnay nito, nilagdaan nitong Biyernes ang isang memorandum of agreement sa pagitan nina Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez, Jr., at Basilan Governor Hajiman Salliman Hataman sa may Western Mindanao Command headquarters.

Nagpaabot naman ng buong pusong pagbati si Galvez kay Gov. Salliman at iba pang mga lokal na opisyal ng probinsiya para sa kanilang buong suporta sa pilot implementation ng programa sa Basilan.