-- Advertisements --

Mas tumitindi pa ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea matapos magkaroon ng palitan ng putok ng baril mula sa dalawang kampo.

Kasunod ito ng muling pagpapakita sa publiko ni North Korean leader Kim Jong Un na unang nabalitang nasa malubhang kalagayan.

Sa inilabas na pahayag ng South Korea’s joint chiefs of staffs, dakong 7:41 ng umaga nang sunod-sunod na paputukan ng North Korea ang guard post ng South na matatagpuan sa demilitarised zone (DMZ).

“We are taking actions via inter-Korean communication lines to grasp the detailed situation and to prevent any further incidents. And we also maintain a necessary readiness posture,” saad sa pahayag.

Kaagad namang pinaputukan din ng South Korea ang North Korea.

Kaugnay nito ay nilinaw ng JCS na walang naitalang sugatan sa naturang insidente.