Wala umanong katuturan para sa North Korea ang panawagan ng South Korea sa Estados Unidos na muling buhayin ang negosasyon tungkol sa denuclearization sa pagitan ng mga bansa.
Ito’y sa kabila nang pagbisita sa South Korea ngayong araw ni U.S Deputy Secretary of State Stephen Bigeun para pag-usapan ang naudlot na nuclear diplomacy.
Sa inilabas na pahayag ni senior North Korean foreign ministry official Kwon Jong Gun ay pinatutsadahan nito ang pakikipagtulungan ng South Korea sa Washington.
Tatlong beses na nagpulong ang dalawa para pag-usapan ang nuclear diplomacy noong 2018 subalit tila nagkalabuan ang Pyongyan at Washington sa kanilang ikalawang pagkikita sa Vietnam noong nakaraang taon.
Umalma kasi ang Amerika sa nais ng North na tanggalin ang mga ipinataw na sanctions sa kanila ng Washington kapalit ng pansamantalang pagsuko ng Pyongyang sa kanilang nuclear capability.
“(Choe’s) statement also mentioned the meddlesome man who had again indicated his intention to arbitrate between the DPRK and the U.S.,” ani Kwon.
“We feel sorry to see (the South) trying so hard to become the ‘mediator’ but it may try as much as it wants if it cherishes so strong wish to try it to the end. Time will show whether its efforts will succeed or it will only suffer a loss and ridicule.” dagdag pa nito.