-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng hanggang anim na taon ng korte ng Bangladesh si Nobel laureate Muhammad Yunus dahil sa paglabag sa labour laws ng kanilang bansa.

Inakusahan kasi ang Grameen Telecom isa sa telecommunications company na kanilang itinaguyod ay bigong bumuo umano ng welfare fund para sa kanilang empleyado.

Sinabi nito na puro gawa-gawa lamang ang nasabing akusasyon laban sa kaniya.

Itinuturing naman ng kaniyang supporters na may halong pamumulitika ang nasabing motibo sa paghatol kay Yunus.