Ipapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang no-sail zone sa bahagi ng Pasig river malapit sa Malacañang area sa Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-elect Marcos Jr sa Hunyo 30.
Ayon kay Lieutenant Commander Michael Encina, kabilang sa isasara mual sa Hospicio de San Jose hanggang sa Pureza Street sa Santa Mesa, Manila.
Mag-iisyu ang PCG ng isang notice para sa mga apektadong stakeholders gayundin para sa pag-deploy ng floating assets sa Manila Bay.
Sa kabilang banda naman, iginiit ni PCG commandant Admiral Artemio Abu na hindi na kailangang magdeklara ng no-sail zone dahil wala naman aniyang natatanggap na anumang partikular na banta sa inagurasyon ni President-elect BBM.
Magde-deploy ng hanggang 500 personnel ng PCG para matiyak ang public safety at seguridad sa mismong araw ng inagurasyon.