-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naka-preposition na ang mga ipapamahaging food packs sa mga posibleng tamaan at maapektuhan ng Bagyong Karding.

Kaugnay nito ay patuloy ang isinasagawang monitoring ng Office of the Civil Defense o OCD region 2 sa galaw ng Bagyong Karding.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Information Officer Michael Conag ng OCD region 2 na naka-red alert na ang kanilang tanggapan at pangunahin nilang minomonitor ang mga coastal areas ng Cagayan at Isabela na pangunahing hahagupitin ng Bagyong Karding.

Batay sa kanilang monitoring hanggang kagabi ay wala pang nagsagawa ng pre-emptive evacuation.

Subalit tiniyak ni Ginoong Conag na nakahanda na rin ang mga evacuation centers sa mga lugar na maaring tamaan ng Bagyong Karding.

Ipinapatupad na ang no sail policy at liquor ban sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.