ILOILO CITY – Nagmugkahi ang Iloilo City Government sa mga magkasintahan na iwasan muna ang pagtatalik sa mga motel sa papalapit na Araw ng mga Puso.

Ito ay upang maiwasan na madagdagan ang patuloy na paglobo ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na magsasagawa sila ng mahigpit na monitoring sa mga motel lalo na sa Valentine’s day.

Ayon kay Conlu, mas mainam na iwasan din ang sobrang paglambingan at panatilihin ang physical distancing.

Nagbabala rin ang opisyal sa mga menor de edad na huwag nang balakin pa na pumunta sa mga motel.

-- Advertisement --

Mas mainam aniya na manatili na lang sa bahay kasama ang pamilya sa Araw ng mga Puso.