Mahigpit na ipinatutupad ang ‘No Full Vaccination, No Entry’ policy sa lahat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-facilitated authorities sa buong bansa kabilang na dito ang Iloilo International Airport.
Kasunod ito ng memorandum na inilabas noong Enero 12 kung saan nakasaad na effective immediately ang policy at ipinapatupad sa lahat ng nagtatrabaho sa airport kag maging sa mga pasahero.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Art Parreño, CAAP-Iloilo Terminal Supervisor, sinabi nito na in place ang bagong policy habang hindi pa na-lilift ni Director General Captain Jim Sydiongco.
Ayon kay Parreño, pinapatupad ito para sa mga indibidwal na may edad 12-anyos pataas , age group na eligible naman para sa Covid-19 vaccination.
Sa memorandum, nakasaad na exempted lamang sa policy ay ang mga taong mayroong medical reasons sa kondisyon na may ipapakitang medical certificate na nakalagay ang contact details ng doctor.
Exempted din ang mga indibidwal na mag-aaccess ng essential goods and services, ngunit kailangan na mayroong barangay health pass o katulad na dokumento.