Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga residente nito na palaging magsuot ng face mask sa lahat ng pagkakataon matapos na makitaan ng medyo pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases.
Ito ay kaugnay na rin sa pananatili sa yellow status ng siyudad batay sa local early warning monitoring system
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) halos domoble raw kasi ang infections na may 229 cases sa pagitan ng June 8 hanggang June 14 mula sa mahigit lamang 100 sa naunang linggo.
Natukoy din na ang tinatawag na average daily attack rate ay tumaas sa 1.10 percent, habang ang average positivity rate ay umakyat din sa 3.4 percent. Tinataya na ang reproduction number naman ay nasa 2.5 percent.
Kaugnay nito, mahigpit na inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang 142 barangay officials na higpitan ang paggamit ng mga residente ng face masks sa kanilang mga kumunidad at hikayatin pa rin ang mga mga kababayan na magpabakuna doon sa mga hindi pa laban sa COVID-19.