Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng ‘no contact apprehension policy’ sa kalsada.
Ito ang binigyang-diin ng ahensya sa gitna ng mga kumakalat na fake news online hinggil sa umano’y resumption o muling pagpapatupad nito.
Sa isang statement ay muling iginiit ng MMDA na hanggang sa ngayon ay nananatiling suspendido ang naturang kautusan mula pa noong taong 2022 bunsod pa rin ng pagpapalabas ng temporary restraining order ng korte suprema laban dito.
Kaugnay nito ay muling nagbabala sa publiko ang ahensya na huwag agad-agad maniniwala sa ganitong uri ng mga maling impormasyong nakikita sa internet.
Samantala, kasabay nito ay muli namang pinayuhan ng MMDA ang publiko na agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng concerns o issues at para sa dagdag pang mga impormasyon na may kaugnayan sa no contact apprehension policy.