Tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na naka deploy lahat ang mga PNP personnel ngayong holiday season.

Ito ay para masiguro na maging maayos at mapayapa ang pagsalubong sa pasko.

Kinumpirma naman ni Dela Rosa na walang christmas at new year’s break ang mga pulis sa Metro Manila.

Itoy kahit sa ibang mga lugar sa bansa ay mayroong holiday break ang mga pulis.

” Well lahat ng pulis natin nakadeploy. Yung ibang district natin sa metro manila ay wala silang break hindi kagaya nung ibang lugar na pwedeng magbreak sa christmas at new year. Dito sa metro manila wala silang break,” wika ni Dela Rosa.

Sa kabilang dako, una ng sinabi ni PNP chief na ang mga pulis na naka bakasyon ay mag report
sa pinaka malapit na police station sa kanilang lugar mula sa pasko at sa bagong taon.

Naka-alerto din ang mga police station lalo na sa mga lugar na malakas ang presensiya ng komunistang NPA.